Friday, May 2, 2008

Better if Patrick does not call or text me - Jennylyn


05/02/2008 | 11:39 AM

Last week ay na-interview ng StarTalk ang pregnant young actress na si Jennylyn Mercado habang naka-confine siya sa hospital due to stress. Noong May 1 nama'y nagkaroon ng pagkakataon ang (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Jennylyn sa telepono.

Ayon sa kanya, may sakit pa rin daw siya. This time, may fever naman siya. Pero tuloy-tuloy pa rin daw siya sa pagtatrabaho hanggang kaya pa ng katawan niya.

Last time she got sick, lumabas na naman ang isyu about her and ex-boyfriend Patrick Garcia. Ayon kay Jennylyn ay panay ang tawag at pagpapadala sa kanya ni Patrick ng text messages na hindi magaganda ang nilalaman.

Pero mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Patrick ang mga paratang ni Jennylyn.

Nang tanungin ng PEP kay Jennylyn kung tumawag na ba si Patrick since she got hospitalized, mabilis nitong sinabi na hindi raw at walang ganoong move from the father of her child.

"Hindi pa rin po tumatawag or pumupunta si Patrick," sabi ni Jennylyn.

Dagdag ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor, mas gusto na raw niya ang hindi na lang magparamdam ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

"That's okay. Kesa naman mag-text po siya, tapos masasama lang din naman ang sinasabi, so mas okey na hindi na lang," ani Jennylyn.

Nasa six months na raw ang ipinagbubuntis ni Jennylyn ngayon. Napansin nga raw niya ang biglang paglaki na kanyang tiyan. "Malapit na...malapit na siyang lumabas," sabi niya,

Excited na raw siyang makita ang anak, although up to now, hindi pa rin daw niya alam kung ano ang gender ng magiging anak.

"Ayaw pa rin niyang magpakita!" natatawang sabi ng expectant mother. "Pero next week, may check-up ako ulit sa O.B. ko, magkakaroon ulit ako ng another ultrasound. So hopefully, makita na kung ano talaga ang gender niya."

Pero kahit hindi pa raw siya sure sa gender ng anak, halos kumpleto na ang gamit ng baby niya na mostly ay color white para safe, babae or lalaki man daw ang anak niya.

"Actually, kumpleto na ako halos sa gamit. Nakaka-dalawang baby shower na kasi ako. Tapos, meron pa kong dalawa pang baby shower na upcoming. Sa ngayon, parang ang bilis, ilang months na lang, hayan na, makikita ko na siya. Kaya sobrang excited na po!" pagtatapos ni Jennylyn. - Philippine Entertainment Portal